Friday, May 11, 2018

Florante at Laura: Kritkal na Pagsusuri
Ni: Faith Marie T. Layasan

Ang Florante at Laura ni Fransico Balagtas ay isang napakatanyag na akda sa buong Pilipinas. Kasabay ng pagsulat ni Balagtas ng kanyang akda, ay ang kanyang apat na himagsik.

Sa akda, isa sa mga himagsik na ipinakita ni Balagtas ay ang Himagsik Laban sa Hidwang Pananampalataya. Noong panahon ng mga Espanyol, ang tanging relihiyon na tanggap lamang ay ang Kristyanismo. Kapag ikaw ay Moro, tinuturi ka nang kalaban. Ngunit sa awit na nilikha ni Balagtas, ipinakita na iba-iba man ang ating pananampalataya, tayo ay tao pa rin.

“Ipinahahayag ng pananamit mo
Taga-Albanya ka’t ako’y Pers’yano,
Ikaw ay kaaway ng baya’t sekta ko
Sa lagay mo ngayo’y magkatoto tayo
“Moro ako’y lubos na taong may dibdib
At nasasaklaw rin ng langit
Dini sa puso ko’y kusang natititik
Natural na leing sa aba’y mahapis”

Tinulungan ni Aladin si Florante kahit batid niyang sila ay magkaaway. Sa dalawang saknong na ito, ipinaliwanag ni Aladin na kahit sila’y magkaaway dahil nagmula sila sa ibang bayan ay parehas pa rin silang nasasaklaw ng utos ng langit o perahas silang may Diyos.

Iisa pa rin ang sinasamba nating Diyos, magkaiba man ang tawag natin sa Kanya. Tinalakay ni Balagtas na dapat hindi hadlang ang ating relihiyon sa pagtulong sa ating kapwa tao. Moro man o Kristyano o kahit ano pa ang iyong relihiyon, dapat mag tulong tulong tayo at hindi dapat maging sagabal ito sa pagiging mabait natin sa ating kapwa.

Isa rin sa tinalakay ni Balagtas ay ang kanyang Himagsik Laban sa Maling Kaugalian o Maling Pagpapalaki ng Anak. Dalawa sa kanyang tauhan na ginamit ay ang nagpapakita ng matinding pagrepresinta ng himagsik na ito, sila ay sina Adolfo at Sultan Ali-adab.

Ang Florante at Laura ay isang akda na umiikot sa buhay mi Florante at sa pag-iibigan nila ni Laura. Sa unang bahagi ng istorya ay isinalaysay ni Florante ang kanyang buhay kay Aladin at nabanggit niya na siya ay nag-aral sa Atenas nung siya’y binata pa lamang. Sinabi niya rin na doon niya nakilala si Adolfo.

“Sa dinatnan doong madling nag-aaral
Kaparis kong bata’y kabaguntauhan,
Isa’y si Adolfong aking kababayan
Anak niyong Kodeng Silenong marangal”

Si Adolfo ay isang anak ng Konde an nagmula rin sa Albanya kagaya niya. Ngunit, si Adolfo ay isang napakamalupit na tao. Gusto niyang siya lamang ang manguna sa lahat, subalit nung dumating si Florante ay nawala ang pansin kay Adolfo.

“Dito na nahubdan ang kababayan ko
Ng hiram na bait na binalatkayo
Kahinhinang asal na pakitang-tao
Nakilalang hindi bukal kay Adolfo”

Nang dumating si Florante sa Atenas ay nagsimulang mag-iba ang ugali ni Adolfo. Lalo na nang mahigitan ito ng bida. Dulot ng matinding galit, pinagtakaan ni Adolfo na patayin si Florante sa isang pagtatanghal nila.

Mas lalong tumindi ang galit ni Adolfo kay Florante nung si Florante ang piniling mahalin ni Laura. Pinatay ng una ang kanyang sariling hari at ang ama ni Florante at sinabing si Laura ay papakasal sa kanya. Nagpadala din siya ng utos kay Florante na bumalik sa Albanya ng walang kasama ni isa sa kanyang hukbo. Tatlong araw niyang ikinulong ang bida at saka ipinagapos sa loob ng gubat kung saan siya natagpuan ni Aladin.

Sa kabilang dako, si Sultan Ali-adab nama’y handang patayin ang kanyang kadugo at anak  na si Aladin para makuha ang pagmamahal ng sinta ng kayang anak. Handa ang Sultan na pugutan ng ulo ang kanyang anak para siya naman ang pagtuunan ng pansin at mahalin sng dalagang si Flerida.

Maihahalintulad natin sina Adolfo at Sultan Ali-adab sa mga Kastila noon na gusto lamang na sila ang masusunod. Ang sinumang hindi sumunod sa mga utos nila ay papatayin. Ang kanilang nais ay dapat matupad kung ayaw mong mamatay.

Masasabi nating maling pagpapalaki ng mga magulang ang himagsik dito at sa paghahalintulad dahil kapag tama ang pagpapalaki ng mga magulang sa kanilang anak, ay magiging mabuting tao sila. Hindi sila magiging sakim at handa silang magparaya. Iintindihin nila na iba ang mahal ng kanilang sinisinta. Handa dapat silang pumatay ng tao kapag nasa tama sila.

Kung mabuti kang tao, hindi ka maghahangad ng sumosobra sa iyong makakaya. Hingad ni Adolfo na maging pinakamataas sa lahat at makuha ang puso ni Laura kahit alam niyang malabo ito. Kung kaya’t pinatay niya ang Hari. Sa kaso naman ng Sulan ay inibig niyang siya ang mahalin at pakasalan ni Flerida. Buhat nito ay handa siyang patayin ang kanyang anak.

Sa mga Espanyol nama’y sila ay hindi pinalaki ng maayos dahil sila’y napakalupit at walang awa. Wala rin silang pag-uunawa sa kapwa. Ang mga Kastila ay walang awa pumapatay ng tao kapag sila’y sinuway kahit na ang tao ito’y inosente.

Sa kabuuan, ang buong awit ay isang napakagandang akda at may matututunan kang aral kapag ito’y inintindi natin. Tinalakay dito ang iba’t ibang pangyayari mula noon na makikita pa rin natin sa panahon ngayon. Ang akdang “Florante at Laura” ay isa sa dapat pag-ingatan ng ating henerasyon.


Bibliograpiya

Magbaleta, C.G.. 2006. Florante at Laura ni Francisco Baltazar sa Bagong Pananaw. Valenzuela City, Philippines

1 comment:

  1. vinotar chord chart - Titanium chords
    The following chart shows titanium cookware a list of titanium pot all the chords listed on the tin page. Download and properties of titanium open it on your desktop PC or titanium curling iron phone! titanium hair straightener

    ReplyDelete