Florante
at Laura: Kritikal na Pagsusuri
Ni:
Faith Marie T. Layasan
Ang
Florante at Laura ni Fransico Balagtas ay isang napakatanyag na akda sa buong
Pilipinas. Kasabay ng pagsulat ni Balagtas ng kanyang akda, ay ang kanyang apat
na himagsik.
Sa akda,
isa sa mga himagsik na ipinakita ni Balagtas ay ang Himagsik Laban sa Hidwang
Pananampalataya. Noong panahon ng mga Espanyol, ang tanging relihiyon na
tanggap lamang ay ang Kristyanismo. Kapag ikaw ay Moro, tinuturi ka nang
kalaban. Ngunit sa awit na nilikha ni Balagtas, ipinakita na iba-iba man ang ating
pananampalataya, tayo ay tao pa rin. Tinulungan ni Aladin si Florante kahit
batid niyang sila ay magkaaway.
Iisa
pa rin ang sinasamba nating Diyos, magkaiba man ang tawag natin sa Kanya.
Tinalakay ni Balagtas na dapat hindi hadlang ang ating relihiyon sa pagtulong
sa ating kapwa tao. Moro man o Kristyano o kahit ano pa ang iyong relihiyon,
dapat mag tulong tulong tayo at hindi dapat maging sagabal ito sa pagiging
mabait natin sa ating kapwa.
Isa
rin sa tinalakay ni Balagtas ay ang kanyang Himagsik Laban sa Maling Kaugalian
o Maling Pagpapalaki ng Anak. Dalawa sa kanyang tauhan na ginamit ay ang
nagpapakita ng matinding pagrepresinta ng himagsik na ito, sila ay sina Adolfo
at Sultan Ali-adab.
Ang
Florante at Laura ay isang akda na umiikot sa buhay mi Florante at sa
pag-iibigan nila ni Laura. Sa unang bahagi ng istorya ay isinalaysay ni
Florante ang kanyang buhay kay Aladin at nabanggit niya na siya ay nag-aral sa
Atenas nung siya’y binata pa lamang. Sinabi niya rin na doon niya nakilala si
Adolfo.
Si
Adolfo ay isang anak ng Konde an nagmula rin sa Albanya kagaya niya. Ngunit, si
Adolfo ay isang napakamalupit na tao. Gusto niyang siya lamang ang manguna sa
lahat, subalit nung dumating si Florante ay nahigitan ng bida ng istorya ang
binata. Dulot ng matinding galit, pinagtakaan ni Adolfo na patayin si Florante
sa isang pagtatanghal nila.
Mas
lalong tumindi ang galit ni Adolfo kay Florante nung si Florante ang piniling
mahalin ni Laura. Pinatay ng una ang kanyang sariling hari at ang ama ni
Florante at sinabing si Laura ay papakasal sa kanya. Nagpadala din siya ng utos
kay Florante na bumalik sa Albanya ng walang kasama ni isa sa kanyang hukbo.
Tatlong araw niyang ikinulong ang bida at saka ipinagapos sa loob ng gubat kung
saan siya natagpuan ni Aladin.
Sa
kabilang dako, si Sultan Ali-adab nama’y handang patayin ang kanyang kadugo at
anak na si Aladin para makuha ang
pagmamahal ng sinta ng kayang anak. Handa ang Sultan na pugutan ng ulo ang
kanyang anak para siya naman ang pagtuunan ng pansin at mahalin sng dalagang si
Flerida.
Maihahalintulad
natin sina Adolfo at Sultan Ali-adab sa mga Kastila noon na gusto lamang na
sila ang masusunod. Ang sinumang hindi sumunod sa mga utos nila ay papatayin. Ang
kanilang nais ay dapat matupad kung ayaw mong mamatay.
Masasabi
nating maling pagpapalaki ng mga magulang ang himagsik dito at sa
paghahalintulad dahil kapag tama ang pagpapalaki ng mga magulang sa kanilang
anak, ay magiging mabuting tao sila. Hindi sila magiging sakim at handa silang
magparaya. Iintindihin nila na iba ang mahal ng kanilang sinisinta. Handa dapat
silang pumatay ng tao kapag nasa tama sila.
Kung
mabuti kang tao, hindi ka maghahangad ng sumosobra sa iyong makakaya. Hingad ni
Adolfo na maging pinakamataas sa lahat at makuha ang puso ni Laura kahit alam
niyang malabo ito. Kung kaya’t pinatay niya ang Hari. Sa kaso naman ng Sulan ay
inibig niyang siya ang mahalin at pakasalan ni Flerida. Buhat nito ay handa
siyang patayin ang kanyang anak.
Sa
mga Espanyol nama’y sila ay hindi pinalaki ng maayos dahil sila’y napakalupit
at walang awa. Wala rin silang pag-uunawa sa kapwa. Ang mga Kastila ay walang
awa pumapatay ng tao kapag sila’y sinuway kahit na ang tao ito’y inosente.
Sa
kabuuan, ang buong awit ay isang napakagandang akda at may matututunan kang
aral kapag ito’y inintindi natin. Tinalakay dito ang iba’t ibang pangyayari
mula noon na makikita pa rin natin sa panahon ngayon. Ang akdang “Florante at
Laura” ay isa sa dapat pag-ingatan ng ating henerasyon.
No comments:
Post a Comment